Ang karosa ng akademikong tagumpay
Ang karosa ng Hakurakuten ay nagpapakita ng isang eksena kung saan ang makata ng Tang na si Hakurakuten ay nagtatanong sa Zen master na si Dōrin. Si Dōrin ay nakatira sa tuktok ng isang matandang puno ng pino. Si Hakurakuten, na nakasuot ng puti at tradisyonal na sumbrerong Tang at may hawak na shaku (flat na baton na pang-ritwal) sa parehong kamay, ay nakatayo at nakikinig sa sagot ni Dōrin. Si Dōrin naman ay nakasuot ng kulay ubeng balabal at sumbrerong kulay indigo na para sa paring may mataas na ranggo at may hawak na rosaryo at katulong ng pari na nakaupo sa tuktok ng puno. Nang tanungin siya ni Hakurakuten na ipaliwanag ang mga mahahalaga sa Buddhism, ang sagot ni Dōrin, ‘Ang paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa kasamaan.’ Sagot ni Hakurakuten, ‘Kahit maliit na bata ay alam iyan.’ Ang paliwanag ni Dōrin, ‘Tama – pero hindi ba’t mahirap itong isagawa kahit na ng isang kagalang-galang na walumpung taong lalaki?’ At lalong humanga si Hakurakuten. Ang karosang ito ay pinaniniwalaang nagbabahagi ng kaalaman ni Hakurakuten at ang kanyang espiritung naghahanap ng katotohanan, at may naikintal na basbas para sa akademikong tagumpay.
Gion Matsuri: ang pinakamatagal na pista sa mundo
Ang Gion Matsuri ay ang taunang pista kung saan si Susanoo-no-Mikoto (ang diyos ng Yasaka Shrine) at ang kanyang pamilya ay ipinaparada sa bayan ng mga sumasamba sa tatlong portable na dambana. Nagpapatuloy ito sa mahigit 1,100 taon, kaya’t ito ang pinakamatagal na pista sa buong mundo. Ang Gion Matsuri ay binubuo ng dalawang kaganapan: ang ritwal na Shinto ng mikoshitogyo* (pagpaparada ng mga portable na dambana) na isinasagawa ng mga opisyal ng Yasaka Shrine, at ang yamabokojunkō (parada ng mga karosang may dekorasyon) na isinasagawa ng mga lokal na pinuno ng Shimogyō Ward. Nagsisimula ito ng ika-1 ng Hulyo kasama ng seremonya ng kippu-iri** sa bawat distritong may karosa. Sinasalubong ng mga tao ang mga diyos sa ika-17 ng Hulyo kasama ng isang prusisyon ng sakimatsuri (maagang pista), at pagdating ng ika-24, ginaganap naman ang atomatsuri (panghuling pista). Sa loob ng tatlong araw bago ang sakimatsuri at atomatsuri, ginaganap ang yoiyama***. Ang mga parol sa bawat karosa ay sinisindihan, at ang tugtog ng pista ng Gion ay maririnig. Pagdating ng ika-31, ang Gion Matsuri ay magtatapos kasama ang summer purification festival na ipinagdiriwang sa Eki Shrine sa Yasaka Shrine complex.
*togyo – pagdadala ng mga portable na dambana
** kippu-iri – ang simula ng mga ritwal
*** yoiyama – isang mas maliit na pistang ipinagdiriwang sa bisperas ng pangunahing pista
Mga pangarap ng mga lokal na pinuno para sa katapusan ng epidemya
Noong 869, sinakop ng isang epidemya ang kapitolyo. Natatakot na ang ‘epidemya ay gawa [ginawa] ng isang naghihiganting multo,’ nagsagawa ang Imperial Court ng goryōe* para mapalubag ang loob nito. Naganap ang seremonya sa mga pampang ng lawa sa Shinsen-en, na matatagpuan sa timog ng daidairi**. Sa puntong ito, para magdasal para sa katapusan ng epidemya, ang mga kalalakihan ng lungsod ay nagpadala ng tatlong portableng dambana mula sa Gion Shrine (na kilala dati bilang Yasaka Shrine) papuntang Shinsen-en, at gumawa ng animnaput anim (66) na karosa, isa para sa bawat probinsya ng bansa noong panahong iyon. Ito ang sinasabing pinagmulan ng GionMatsuri. Pagkatapos noon, kahit na nakaranas ang Kyoto ng malaking kapahamakan sa anyo ng Ōnin War, at tatlong malalaking sunog noong panahon ng Edo, ipinagawa ito sa bawat panahon. Pansamantalang tumigil ang GionMatsuri sa panahon ng Digmaang Pacifico, ngunit naibalik noong Shōwa 22 atd 23 (1947 at 1948). Noong Shōwa 27 (1952), muling binuhay ang parada sa anyong bago magdigmaan. Mula noong Shōwa 30s (1955-65), ginawa ang ilang pagbabago dahil sa kundisyon ng trapiko at iba pang mga isyu. Binago ang ruta ng parada, at pinag-isa ang sakimatsuri at atomtasuri. Ngunit noong Heisei 26 (2014), muling binuhay ang atomatsuri sa unang pagkakataon sa loob ng apatnapung siyam (49) na taon.
* goryōe – isang ritwal para sa kapayapaan ng mga kaluluwa, ginagawa para sa proteksyon laban sa panggamot
** daidairi – palasyo ng Heian
Ang parada ng karosa ng ‘gumagalaw na museo’
Ang mga karosang nagdadagdag ng magarbong dating sa GionMatsuri ay maaaring hatiin sa tatlong malawak na kategorya: hoko, yama, at kasaboko. Ang hoko ay malaki at may bubong na istrukturang nakasentro sa shingi (pole na gawa sa yew plum pine, sinadya para hilain nito ang peste) at hinihila ng isang kariton. Ang kasaboko ay elegante at dalawang-palapag na istrukturang parang payong na pinalamutiang pine. Maaaring ihiwalay ang yama sa hikiyama at kakiyama. Ang tanging iniba ng hikiyama sa hoko ay ang yew plum pine pole ng hoko ay pinalitan ng pinalamutiang pine. Ang kakiyama ay mga umaandar na entablado ng teatro, na naglalarawan ng isang eksena mula sa alamat. Ang karosa ng Hakurakuten ay ang kakiyama; ang pinalamutiang pine ay ang pinakamataas sa GionMatsuri, na umaabot sa taas na hanggang pitong metro (7m) mula sa lupa.
Ang mga mahahalagang kababaihan at mga may tinang tela mula sa buong mundo ay tinatawag na keshōhin. Ang mga ito ay kahanga-hangang mga primera klaseng gawa ng sining na pumasok sa Japan mula sa ibang bansa noong panahon ng Edo, daang taon na ang nakaraan. Dahil dito, nakilala ang GionMatsuri bilang ang ‘gumagalaw na museo.’ Ang pangunahing tapiserya na nakasabit na dekorasyon sa harap ng karosa ng Hakurakuten ay gawa sa Belgium noong ika-labing anim (16 ) na siglo at ipinapakita ang pagbagsak ng Troy, isang eksena mula sa Iliad.
Iliad: isang epikong tulang isinulat at ipinamana ni Homer. Ito ay kilala sa kuwento ng Trojan horse.
Isang tala tungkol sa chimaki
Ang chimaki, na gawa mula sa mga dahon ng kawayan, ay mga gayuma laban sa epidemya at kapahamakan. Inuugnay ang mga ito sa usapang namagitan sa makatang Hakurakuten at ang mongheng si Dōrin. Ang mga agimat para sa tagumpay sa pag-aaral at pantaboy sa malas at pang-akit ng swerte ay nakaugnay sa kanila.
Nakasabit sa likod: Yamaga Seika, An Image of Beijing in the Manju Era, Japan, 1953, woolen brocade
Nakasabit sa likod: A Conversation on the Waterfront, France, 18th century, woolen brocade
Nakasabit sa puno ng kahoy: The Peasants’ Meal, France, 17th century, Gobelins tapestry
Nakasabit sa puno ng kahoy: The Huntress, France, 18th century, Gobelins tapestry
授与品
本年の京都祇園祭(祇園御霊会)はコロナの影響のため、残念ながら山鉾巡行は中止となりますが、各山鉾町にて重要な神事が執り行われ、また白楽天山では御山建て、会所(町家)飾りも行います。粽と授与品は下記オンラインショップ(6/10〜7/31)と会所(7/13〜16)にて授与を行います。会所は7/13のみ15:30〜18:00、7/14〜16は10:00〜18:00に開く予定です。(状況により変更になる可能性もございます)
本来なら「疫病退散」を願い、都を日の本を清め祓うため巡行を執り行いたいところですが本年も叶わず、せめて厄除け粽と疫病退散のご利益を何とか皆様のお手元に届けたいと願い、昨年に引き続きオンラインショップにて授与をさせて頂きます。山鉾町にとって、粽授与は山鉾の保存・修繕・運営のための源泉でもあります。白楽天山町衆も、心を込めて、疫病退散を願い、ひとつひとつ手作業で粽と護符の封入作業などをしております。祇園祭継承のため、応援の意味も含めてご奉賛頂けますと、大変有り難く思います。